Ipaliwanag Kung Paano Si Kapitan Tiago Ay Kasundo Ng Diyos Ng Pamahalaan At Ng Mga Tao?

Ipaliwanag kung paano si kapitan tiago ay kasundo ng diyos ng pamahalaan at ng mga tao?

Noli Me Tangere

Kapitan Tiyago

Sinasabing si Don Santiago Delos santos o mas kilala sa tawag na kapitan Tiyago ay kasundo ng Diyos at ng mga tao sapagkat siya ay madasalin at laging nagbibigay ng donasyon sa simbahan. Bukod dito siya rin ay matulungin at bukas palad sa lahat ng mga nangangailangan. Palgi rin siyang may papiging para sa lahat ng kanyang mga kaibigan at kakilala. Magiliw siya sa lahat at palakaibigan. Mahilig rin siyang sumali sa mga pagtitipon. Katunayan, palagi siyang naroon sa mga pagtitipon ng mga kura kaya naman ang lahat ng sinasabi ng mga ito ay kanyang pinaniniwalaan at binibigyang katwiran. Walang utos ang mga prayle na hindi niya sinunod. Lalo na kapag ang pasya ay galing kay Padre Damaso. Maging ang usaping pag ibig at personal na buhay ni Maria Clara ay ang kura ang nagbibigay ng desisyon. Siya rin ay sinasabing kasundo ng pamahalaan sapagkat palagi siya nagbibigay ng mataas na buwis. Hindi siya ni minsan lumabag sa batas at tulad ng mga prayle, ang mga nasa pamahalaan y kanyang sinusunod at iginagalang. Lagi din siyang tumutulong sa mga proyekto ng pamahalaan at nagsisikap na palaganapin ang kapangyarihan ng mga ito sa pamamagitan ng pagpapakita ng mabuting halimbawa sa kanyang mga kababayan.


Comments

Popular posts from this blog

Which Events Involves A Chemical Change?

What Are The Common Folk Steps And The Step Pattern Of:, Binislakan, Sakuting, Sua-Ku-Sua, Pangalay

A 34 Lb. Child Received 517 Milligrams Of Antibiotics. If The Dose Is To Remain Proportional To The Body Weight, How Many Milligrams Of Antibiotics Sh